Catching Fire

Ratings :


Date Issue : Jan. 11, 2015
Publisher : World's Bestsellers
Author : Suzanne Collins
ISBN :
Price : FREE
  Share by Twitter


About This Book

PINAG-AAPOY ANG MALILIIT NA NINGAS. KUMAKALAT ANG SUNOG. AT NAIS NG KAPITOLYO NA MAGHIGANTI. Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan, naipanalo ni Katniss ang Hunger Games. Siya at ang kapwa tribute ng District 12 na si Peeta Mellark ay himalang buhay pa rin. Dapat ay nabunutan na ng tinik si Katniss, maging masaya pa nga. Lalo pa at nakabalik na siya sa kanyang pamilya at sa matagal nang kaibigang si Gale. Ngunit wala sa mga ninais niyang mangyari ang nangyari. Naglagay si Gale ng malamig na distansiya sa kanya. Tuluyan na siyang tinalikuran ni Peeta. At may mga bulong-bulungan ng pag-aaklas laban sa Kapitolyo—isang pag-aaklas na maaring natulungan nina Katniss at Peeta na maisagawa. Sa kanyang labis na pagkabigla at pagkatakot, nakapagpasiklab si Katniss ng kaguluhang sa tingin niya’y hindi niya kayang pigilan. At ang lalong ikinatakot niya ay hindi siya lubusang kumbinsido na subukang pigilan iyon. Habang papalapit ang na oras upang bisitahin nina Katniss at Peeta ang mga distrito sa malupit na Victory Tour ng Kapitolyo, higit na malaki pa ang mga panganib ngayon. Kung hindi nila mapatutunayan, nang walang bahid ng pagdududa, na labis silang umiibig sa isa’t isa, magiging kahila-hilakbot ang magiging parusa. Sa Catching Fire, and pangalawang nobela ng Hunger Games trilogy, ipinagpapatuloy ni Suzane Collins ang kuwento ni Katniss Everdeen, sinusubok siya nang higit pa kaysa dati… sinisindak ang mga mambabasa sa bawat paglipat ng pahina.


Related Stories