BVS00002 - Be My Valentine 2 - Be My Cupcake

Ratings :


Date Issue : Mar. 03, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Summer Louise
ISBN :
Price : PHP 42.00
  Share by Twitter


About This Book

Mula nang masaktan ang puso ni Rinoa ay ikinulong na lang niya ang sarili sa apat na sulok ng kanyang bakery. Gumawa siya ng sariling mundo, ang kanyang comfort zone. Pero isang lalaki ang panay ang lapit kay Rinoa, nangungulit na tanggapin niya ang iniaalok nitong trabaho na maging pastry chef. Ang lalaki ay si Stephen Davis, may-ari at presidente ng Grand Davis Hotel. Tigas naman sa pagtanggi si Rinoa na magtrabaho sa naturang hotel dahil do on nagtatrabaho ang walanghiya niyang ex-boyfriend. Ayaw na niyang makakrus ng landas ang manlolokong iyon. Pero saksakan talaga ng kulit si Stephen... na guwapo, mabait, charming... All right, halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay hinakot na ng binata. Nakakita ng alas si Stephen. Ginamit nito ang pagiging maawain niya sa mga batang pulubi para makumbinsi siya. May gaganapin losing monthlong event sa Grand Davis Hotel para sa mga batang pulubi. Pumayag si Rinoa. Maikling panahon lang naman ang isang buwan. Pero napakahabang panahon na pala iyon para ma-in love siya kay Stephen. Eventually, Rinoa accepted the fact na nagmamahal na uli siya. Pagmamahal na nahigitan pa ang past love niya. Pero hindi niya akalain na sa pangalawang pagkakataon ay mabibigo siya. Ang ipinagkaiba lang, ngayon ay dobleng sakit ang nararamdaman niya.


Related Stories