PHR05916 - The Day She Said I Love You

Ratings :


Date Issue : Mar. 03, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Marsha Miguel
ISBN :
Price : PHP 42.00
  Share by Twitter


About This Book

Matagal kong ginamit ang utak ko sa pakikipagrelasyon pero hindi ito nagdulot ng kasiyahan sa akin. That’s why I think it is only right to use my heart this time. Gusto kong makasama si Luke. Siya lang. Salamat sa FB at #ThrowbackThursday, nagkrus muli ang mga landas nina Tanya at Dane. Si Dane na ultimate high school crush ni Tanya at crush pa rin niya hanggang ngayon. Nang i-accept siya ni Dane as friend, agad siyang nag-PM sa lalaki at nang sumagot ito ay nasabi ni Tanya sa sarili, It will not be for long, you will be mine soon, Dane! Buong-buo na sa isip ni Tanya na si Dane ang “Mr. Right” niya dahil sino ang mag-aakalang magkikita pa sila after eight years na walang communication? Pero nag-alinlangan ang puso niya at nagulo ang isip nang makilala ang bagong katrabahong si Luke. Hindi niya dapat pinag-iisipan na gawing boyfriend ang lalaki dahil in a relationship ito. Pero hindi niya mapigil ang sarili. Ang isip at puso niya, laging hinahanap si Luke, gustong palaging nasa tabi nito. Parang ganoon din naman si Luke sa kanya. Hayun nga at nakipaghiwalay pa ito sa girlfriend of six years para sa kanya. Parang sa kanta, nalilito, litong-litong-lito na si Tanya. Sino kina Dane at Luke ang pipiliin niya?


Related Stories