PHR05965 - Sayaw Para Sa Dalawa
Date Issue :
|
Jun. 08, 2016
|
Publisher :
|
Precious Pages Corp.
|
Author :
|
Daniella Ignacio
|
ISBN :
|
|
Price :
|
PHP 45.00
|
|
|
About This Book
Hindi maalis ni Vincent sa isip niya si Mika mula nang makita itong sumasayaw sa parehong dance studio kung saan din nagpa-practice ang Mad Clown. Ikinaila nga lang niya sa harap ng mga kagrupo ang panonood kay Mika dahil ayaw niyang mapagtawanan.
Pero dahil aminadong nagkaka-crush na kay Mika at gusto itong muling makita, pinuntahan pa rin niya ang dalaga sa nirerentahang dance studio room. Pero nangyari ang hindi niya inaasahan. Siya ang naging dahilan ng pagkakaaksidente ng ka-partner ni Mika sa sasalihang dance contest.
"S-sorry," nauutal na sabi ni Vincent. Isinangga pa niya ang dalawang kamay sa takot na bigla na lang siyang sakmalin ni Mika. Nakakatakot pala ito kapagganoong sobrang nagagalit. "H-hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang nasa likod siya ng pinto. Malay ko rin bang mapapatid siya ng paa ko. Hindi ko kasalanan—"
"Ikaw ang bago kong dance partner."
"Ha?" Napamaang si Vincent. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ni Mika.
"Sumasayaw ka, Kdi ba? Dahil sa yyo kay a wala na akong partner ngayon. Kaya't sa ayaw mo at sa gusto, sasamahan mo akong sumayaw."
Napatulala siya. Totoo ba ang naririnig niya?
"Hindi ka puwedeng tumanggi. Kasalanan mo ang lahat ng ito, kaya dapat lang na gumawa ka ng paraan para maayos "to."
Hindi alam ni Vincent kung magugulat o magtatatalon sa tuwa dahil parang tadhana na ang tumutupad sa kanyang gusto na makasama si Mika. Sa huli ay tumango na lang siya na parang wala sa sarili.