PHR06012 - Loving Jack Is Easy Because She’s Beautiful
About This Book
Hindi a-attend si Jack ng class reunion… nang walang kasamang jowa! Ayaw niyang isipin ng mga kaklase—lalo na ng taksil niyang ex na si Lawrence—na hindi pa siya nakaka-move on. So ang kanyang misyon, maghanap ng lalaking maisasama.
At sa paghahanap ng “temporary jowa,” nakilala ni Jack si Kenneth—na hindi temporary ang gusto kundi pang-forever daw. Hindi pa man kasi gabi ng reunion ay panay na ang pagpapalipad-hangin at pagpapa-cute sa kanya.
Jowa for one night lang ang hanap ni Jack. Pero parang maging ang puso niya, gusto na ring makisali sa trip ni Kenneth na jowa for forever ang gusto.
Price: 45.00