Lost In Seoul - You Are Nae Sarang (My Beloved) - PHR06191

Ratings :


Date Issue : Mar. 09, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Sofia
ISBN :
Price : PHP 89.00
  Share by Twitter


About This Book

“Destiny na nagkakilala tayo pero choice ko na mahalin ka at piliing makasama.” Closure. Iyon ang pakay ni Cheska sa pagpunta sa Jeju Island. Kailangan niyang dalawin ang puntod ni Doc Darryl Kang, ang lalaking unang minahal, para tuluyan na niyang maipagpatuloy ang buhay at makahanap ng bagong pag-ibig. Pero habang nasa tren papunta sa Gimpo Airport kung saan siya sasakay papunta sa Jeju Island, nakita ni Cheska ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Darryl—si Carter Meneses, isang Filipino na nagtatrabaho sa Seoul bilang English teacher. Dahil kay Carter, na-miss niya ang flight papuntang Jeju Island. Nang alukin siya ng nanay ni Carter na pansamantalang tumira sa bahay na pinapaupahan ng mga ito at si Carter ang magiging tour guide niya sa pamamasyal sa Seoul, sinamantala niya ang pagkakataon. Pakiramdam kasi niya ay nabuhay kay Carter ang pinakamamahal niyang lalaki. Pero natanso siya dahil malayo si Carter kay Doc Darryl. Carter was brash. Hindi raw siya ang type nito kundi ang kapitbahay na K-pop star wannabe. Hindi nga siguro si Carter si Doc Darryl pero kaya nitong tunawin ang puso niya. Mas matindi pa ang nararamdaman niya rito kaysa sa naramdaman sa kanyang first love. And if given the chance, Cheska wanted another shot at love this time with Carter. Pero may pag-asa pa kaya siya kay Carter kapag nalaman nito kung sino ang Doc Darryl ng buhay niya?


Related Stories