Soul Of My Heart - PHR6200

Ratings :


Date Issue : Apr. 12, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Kayla Caliente
ISBN :
Price : PHP 42.00
  Share by Twitter


About This Book

“Kung hindi ka mangkukulam, bakit hindi ka maalis-alis sa isipan ko?” Hindi pa handang mawalan ng trabaho si Lucette. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng lugar sa Pilipinas, sa bayan pa nila napadpad ang hunky pero pesteng si Tristan. At sa dinami-rami ng puwede nitong maisip gawin, bakit ang pinapasukan pa niyang resort ang napagdiskitahang bilhin? May isa pang ipinagngingitngit si Lucette. Balak daw ipagiba ng lalaki ang lumang bahay na naging malapit na sa loob niya. Aba, hindi puwede. Handa siyang gawin ang lahat para maisalba sa kapahamakan ang lumang bahay. Kahit pa ang gumawa ng multo. Oo, multo. Nakipag-deal sa kanya si Tristan. Kapag napatunayan daw niya na may resident mumu sa bahay, hindi na nito iyon ipapagiba. Ang problema, hindi lang multo ang nadiskubre ni Lucette. Natuklasan niyang may puso pala siya na puwedeng tumibok para sa buwisit na lalaki. At si Tristan, aba, aba, bakit ganoon? Kung umasta ay parang naku-cute-an sa kanya. Nagmahaba pa tuloy ang hair niya. Na naputol din nang malaman niya ang totoong dahilan kung bakit siya nilapitan ni Tristan: ang gawin siyang tagaaliw sa boring nitong buhay.


Related Stories