Not Any Ordinary Fan - PHR06216

Ratings :


Date Issue : May. 18, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Samantha Blanche
ISBN :
Price : PHP 42.00
  Share by Twitter


About This Book

Hindi pala isang automatic switch ang puso niyang bigla na lang susunod sa kagustuhan niyang huwag nang umasa. Para pala iyong may sariling utak na kusang naghihintay. Bilang fan, wala na yatang susuwerte pa kay Anacee. Nakilala kasi niya si Mark Tein, member ng K-Pop boy group na matagal na niyang hinahangaan nang magkaroon ang grupo ng concert sa Pilipinas. And unexpectedly, tinulungan pa niya ang lalaki na tumakas sa mga reporter nang makipag-date ito sa girlfriend na itinatago sa publiko sa coffee shop na pagmamay-ari niya. Akala ni Anacee, iyon na ang huling beses na makikita niya si Mark. Pero kinabukasan, bumalik ang lalaki sa coffee shop. “Help me find someone,” request ni Mark na malugod niyang pinagbigyan. Ngalingali nga lang iligaw ni Anacee si Mark nang malamang ang girlfriend pala nito ang sinusundan sa bundok ng Mt. Ulap. Pero pumabor sa kanya ang sitwasyon dahil “nakatsansing” siya nang ilang ulit sa lalaki. Pero kamukat-mukat niya, iyon pala ang magiging dahilan para masangkot siya sa isang eskandalo. Member of Lucky Seven, Mark Tein, fulfilled one of his dreams—hiking the mountain on first date—ang isang line sa article sa Korean newspaper at kasama pa ang litrato nila ni Mark sa bundok! Will an idol date his fan? Or was it just all about fan service?


Related Stories