Pepita And Iñigo - PHR06232
About This Book
“I really thought we can move on… until I saw you again.”
Kinutsaba si Pepita ng kanyang best friend na gantihan ang ex-boyfriend nito. Sa pagsasagawa ng plano—habang bina-vandalize ang kotse ng ex ng kaibigan—nahuli siya ng isang lalaki. Lalaki na nakapagpabilis ng tibok ng kanyang puso at mula noon ay pinangarap na niya kahit hindi alam kung sino ito.
Akala ni Pepita ay hindi na uli sila magkikita ng lalaki. Mali pala siya. Dahil nang makiusap ang kakambal niya na magpanggap siya bilang ito sa pamilya ng mapapangasawa, laking gulat niya nang makilala kung sino ang magiging future na bayaw ng kakambal.
Walang iba kundi ang lalaking pinapantasya niya. Iñigo pala ang pangalan ng lalaki!
Lalong tumindi ang simpleng paghangang naramdaman ni Pepita noong unang ma-encounter ang lalaki. Pero paano na, ang alam ni Iñigo ay siya ang pakakasalan ng kapatid nitong kasalukuyang walang malay. Ano na ang gagawin niya?