Just Because - PHR06237

Ratings :


Date Issue : Jun. 07, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Luna King
ISBN :
Price : PHP 85.00
  Share by Twitter


About This Book

“Marami akong oppa sa South Korea. Pero ikaw lang sa totoong buhay.” Akala ng fans ko, wala akong problema bilang Dollie Cruz kasi sikat na celebrity host daw ako. Maganda, bubbly, at sexy daw ako. Gusto ko ring maniwala na “good catch” nga ako kaya heto, niligawan ko si Zild, `yong guwapo at hunk na kapitbahay ko. Close ako sa mommy at sister niya. Sa sobrang close nga namin, pinagpaplanuhan na namin ng mga future in-law ko ang wedding namin ni Zild. Hindi naman ako maglalakas-loob na gawin ito kung hindi ko nararamdamang may feelings din para sa akin ang future groom ko. Kaso, wala na siyang ibang ginawa kundi yayain akong kumain. Breakfast, lunch, merienda, dinner, pati midnight snack. Hindi ako puwedeng kumain nang marami. Mas malala pa kasi sa simpleng diet ang dahilan. Pero biglang bumalik ang ex-girlfriend ni Zild na isang dating beauty queen. Mga bes, lumagapak ang self-confidence ko. Hindi lang ang puso ni Zild ang naguluhan sa pagbabalik ng maladiyosa niyang ex-girlfriend. Dahil sa kaseksihan ni Miss Ex-Beauty Queen, bumalik din ang insecurity ko na alam kong hindi madaling labanan…


Related Stories