Tangled - PHR06245

Ratings :


Date Issue : Jul. 04, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Belle Feliz
ISBN :
Price : PHP 119.00
  Share by Twitter


About This Book

“Paniwalaan mong mahal kita at patuloy mo lang akong mahalin. `Yon lang ang mga kailangan mong gawin.” Si Kenneth, nagmahal at ginawa ang lahat para maangkin ang babaeng minamahal. Pilit niyang inalis ang lahat ng hadlang para makuha ang pangarap na buhay. Si Gayle, ang babaeng minahal ni Kenneth. Pinili niyang makasama si Kenneth kahit ibang lalaki ang talagang nasa puso sa paniniwalang tama ang naging sakripisyo niya. Si Estong, ang lalaking inagawan ni Kenneth ng babaeng minamahal. Sa loob ng mahabang panahon ay puno ng galit at pait ang kanyang puso. At si Kyle, ang kapatid ni Kenneth na dapat ay hindi makasama sa tangled love affair. Ang babaeng nagmahal kay Estong. Ang babaeng inakalang totoo ang pag-ibig na ipinakita ng binata. Ang sobrang nasaktan nang malaman na gagamitin lang siya para sa isang paghihiganti. Apat na taong nagmahal at gusto lang maging masaya. Paano sila makakawala mula sa hindi magandang pagkakabuhol ng kanilang mga kapalaran? Sino ang tuluyang magiging masaya? Sino ang magpaparaya? Sino ang maiiwan at masasaktan?


Related Stories