My Imaginary Love Affair - PHR06257

Ratings :


Date Issue : Jul. 25, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Sairah Roa
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Ikaw lang ang gusto ko. Matagal na kitang gustong ibalot sa gift wrapper at iuwi sa bahay.” “You are Nigel’s girlfriend, right? Nasa ospital siya at kailangan ka niya.” Sigurado si Yani na hindi niya kilala ang lalaking lumapit sa kanya at nagde-demand ng kung ano-ano. Una sa lahat, NBSB siya. Pangalawa, hindi niya basta-basta makakalimutan ang kasingguwapo nito. Pero may ipinakitang ebidensiya ang lalaki na Sky ang pangalan—isang picture kung saan may nakaakbay sa kanya: si Nigel na kapatid daw nito. Tinulungan niya noon si Nigel na makaiwas sa stalker at nagpanggap siyang girlfriend nito, for two hours. Sabi ni Sky, naaksidente raw si Nigel at may very selective amnesia dahil siya lang ang naaalala. Na-touch naman si Yani sa pagmamahal ni Sky sa kapatid—at sige na nga, sa nakakahipnotismo rin nitong mga mata—kaya pumayag siyang i-extend ang pagpapanggap na girlfriend ni Nigel hanggang sa bumalik na ang alaala nito. Pero mapaninindigan ba ni Yani ang pagpapanggap na girlfriend ni Nigel kung si Sky ang palagi niyang hinahanap-hanap?


Related Stories