Love Revolution Series 9 - Eena, The Free-Spirited Fairy - LRS00009

Ratings :


Date Issue : Aug. 23, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Nikki Del Rosario
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

“That’s the mystery of love. Pinaglalapit ang dalawang taong nakalaan para sa isa’t isa kahit na magkaaway. Masyadong wicked an love, eh, mahilig maglaro ng damdamin ng mga tao.” First impressions last. Iyon ang nangyari kay Chase nang makilala si Eena at masaksihan ang pagpapalit-palit nito ng boyfriend mula pa noong first year college sila. Kaya tumatak sa isip niya na isa itong playgirl at happy-go-lucky na isang malaking turn off para sa kanya. Never tuloy niyang naging ka-close si Eena kahit kasama ito sa dance troupe na kinabibilangan sa Hendrix International University. At sa paniniwalang iyon, nagawa pa ni Chase na ipahiya si Eena sa harap ng ibang tao sa pag-aakalang ito ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang lalaki sa bar na pinagtatrabahuhan niya bilang isang part time DJ. Pero nang ma-realize ni Chase ang naging pagkakamali, sobrang guilt ang naramdaman niya. Kaya nang magkaroon ng chance na maging dance partner si Eena sa isang kompetisyon na sasalihan ng kanilang grupo, kusa siyang nakipaglapit dito. Ang kanyang misyon: mawala ang animosity sa pagitan nila. Iyon lang. Period. Pero hindi yata doon matutuldukan ang misyon ni Chase. Dahil sa kanilang pagsasama, unti-unti niyang nakita ang magagandang katangian ni Eena sa likod ng playgirl image nito sa campus. At nagustuhan niya ang ideya na ituring itong kaibigan gaya ng mga kasama sa dance troupe. Pero lumampas yata sa pakikipagkaibigan ang turing niya kay Eena. Kung hindi, bakit na-heartbroken siya nang ang ex-boyfriend nito ang mas pinagkatiwalaan sa problema sa pamilya kaysa sa kanya na handang gawin ang lahat, mapasaya lang ito araw-araw?


Related Stories