The Secret Files Trilogy 3 - May I Treasure You - SFT00003

Ratings :


Date Issue : Oct. 26, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Carol Jackson
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

“My heart is like a mirror. You can break it into a million pieces, but if you will look closely, you’re still in it…” Sobrang sama ng loob ni Gretel nang malamang may girlfriend na ang first love niyang si Patrick na nangakong babalikan siya. Matagal din niyang hinintay na magkita uli sila pagkatapos nitong umalis ng bansa. Iniiyak niya ang sama ng loob kay Evin—ang guwapo, mailap sa mga babae at masungit niyang best friend. Pero laking gulat ni Gretel nang dampian siya nito ng halik sa mga labi at sinabi pang, “You should’ve just fallen in love with me.” Mula noon, hindi na nawala sa isip niya si Evin. Lalo na at ginawang kasiya-siya ng binata ang bawat sandali na magkasama sila. Nang sa palagay ni Gretel ay nahuhulog na ang loob niya kay Evin, saka naman uli lumapit sa kanya si Patrick at sinabing gusto nitong ituloy ang naputol nilang pagmamahalan noon. Pero alam man ni Gretel na si Evin na ang itinitibok ng kanyang puso—hindi naman ipinaparamdam ni Evin na gusto siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. Paano na siya kung hanggang best friend lang ang tingin sa kanya ni Evin?


Related Stories