The Girl In A Vintage Dress - PPS00101

Ratings :


Date Issue : Jan. 19, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Chelsea Parker
ISBN :
Price : PHP 69.00
  Share by Twitter


About This Book

Lumipas man ang ilandaang taon, pagtatagpuin at pagtatagpuin ang dalawang tao na itinakda ng tadhana para sa isa’t isa. Nagsimula ang lahat nang sumama si Ayu sa field trip ng klase nila. Para daw mas ramdam nila kung ano talaga ang ibig sabihin ng “history,” imbes na sa museum ay sa isang lumang bahay na hitik ng throwback items sila dinala ng kanilang history teacher. Doon, isang lumang picture ng babae ang natagpuan ni Ayu. Pero nasira niya iyon. At sa takot na mapagalitan ng teacher nila, wala siyang choice kundi ibulsa ang litrato. Dahil doon, nagsimula na ang kalbaryo ni Ayu nang pumunta naman siya sa lumang bahay ng kanilang pamilya. Maya’t maya na lang kasing may nagpapakita sa kanya na isang babae—in a vintage dress! But that was ten years ago. At ngayon, nagbalik si Ayu sa kanilang lumang bahay. Siguro naman, panis na ang multo. Pero nagkamali siya ng akala. Dahil nasa harap na niya ngayon—in flesh—ang babaeng noong una ay inakala niyang multo. Julia ang pangalan nito. At sa paglipas ng mga araw na nakasama niya ang babae ay minahal niya ito. At nakahanda siyang sundan si Julia sa taong 1896 sakaling bigla itong maglaho…


Related Stories