LIB00420 - Love And Hatred

Ratings :


Date Issue : May. 21, 2018
Publisher : LIB Creatives
Author : Pinky Jhewelii
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Ilang beses kong inasam na makita uli ang ngiti mo.” Worst nightmare ni Freida ang kababata at kaklase niya noon na si Renji Pascual. Bakit hindi? Ito lang naman ang madalas mam-bully sa kanya way back in high school. And worst, ninakawan pa siya ng halik! Pagkatapos ng walong taon, muli silang nagkita. Isa na itong sikat na commercial model. Ito ang kinuhang endorser ng Pink Chocolates, ang chocolate business niya. Wala siyang choice kundi pirmahan ang kontrata nito. Malakas ang appeal ng lalaki sa masa. Malaking tulong iyon para sa business niya. Okay na sana ang lahat. Pero bukod sa ginagawang project, umaakto rin itong nanliligaw sa kanya na parang walang ginawang atraso noon. Inamin ng lalaki na kaya siya inaasar noon at hinalikan ay para mapansin niya. Crush daw siya nito at walong taon na siyang mahal. Nagulat si Freida. Higit sa lahat, parang gusto niyang kiligin. Todo ang panliligaw ni Renji sa kanya. Hanggang sa nahulog ang loob niya rito. Pero nalaman niyang nagsinungaling uli ang lalaki sa kanya. At hindi niya alam kung mapapatawad pa niya ito…


Related Stories