Jaja's Status - It's Complicated

Ratings :


Date Issue : Jun. 27, 2018
Publisher : Only on Digital
Author : Jastinne Knight
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Kung puwede ko lang turuan `tong puso ko na i-unlike ka, bakit hindi?" May bagong hinahangaan si Jaja, si Gino, ang bokalista ng bandang Chasing the Crowds. Hind naman mahirap matagpuan ang kanyang Prince Charming kaya inihanda agad niya ang ganda para akitin ito. Pero may problema. Ang tanging paraan para mapalapit kay Gino ay ang ex-best friend noong high school na tinanggihan niya ang pag-ibig, si Tyler—na best friend na ngayon ni Gino. Susuko na sana si Jaja dahil galit sa kanya si Tyler, kung hindi lang ito humingi ng tulong sa kanya. Kapalit niyon ay ang pagkakataon na mas mapalapit siya kay Gino. Chicken feed lang naman ang ipinapagawa ni Tyler: magpapanggap silang mag-jowa sa pamilya nito para hindi na mapagkamalang beki si Tyler tulad ng kapatid nito. Pero habang nagpa-practice sila bilang mag-jowa, biglang na-realize ni Jaja na may potential naman pala si Tyler na ibigin. Nakalimutan tuloy niya ang unang agenda na akitin si Gino. Tagumpay naman ang plano nilang pagpapanggap. Sa sobrang tagumpay, nagdeklara ang pamilya nila ng kasal. Pero may tutol sa kasal nila—si Gino. At mas naging komplikado pa ang lahat. Hala, grabe siya!


Related Stories