The Future Series 5 - The Man In Unit 69

Ratings :


Date Issue : Jul. 04, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Cranberry Laurel
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

May tatlong dahilan kung bakit inis na inis si Georgina kay Milton—ang lalaking bagong lipat sa unit 69 na katapat ng tinitirhan niyang condo unit. Una, dahil guwapo ang lalaki. Galit siya sa mga tulad nito dahil ilang guwapong lalaki ang nanloloko na sa kanya. Pangalawa, nayayabangan siya kay Milton dahil kung makangiti ito, parang close sila. At pangatlo, sa loob ng isang buwang mula nang lumipat ito doon ay iba-ibang babae na ang nakita niyang nagpunta, natulog, at kalampungan nito. So therefore, nakakainsulto. But one day, Milton approached her at sinabing siya raw ang “the future” nito pero pinagtawanan lang niya iyon. Pero isang gabi, bigla niyang napanaginipan si Milton at ang tungkol sa sinabi nito. Because of that dream, she started to feel something for him kaya bigla niya itong iniwasan. Pero sa pagliligtas ni Milton sa kanya sa ginawang pag-eeskandalo ng asawa ng huling naging ex boyfriend, naging malapit sila sa isa’t isa. He is not that bad after all. And honestly, Milton was lovable. Eventually, Georgina fell in love with him. She fell in love with a playboy. At ang playboy ay kaunting panahon lang magiging loyal. Soon, Milton broke her heart and he left her. So therefore, wala silang “future.”


Related Stories