My Lovely Bride - Ginji & Johnny - MLB00226

Ratings :


Date Issue : Jul. 11, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Dream Grace
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Does it really matter when and how I fell in love with you? When all that matters is that I love you now?” Ginji had been married once and unfortunately, it soured her on love and romance. Pero hindi ibig sabihin na hindi siya masaya para sa mga kaibigan na nakatagpo na ng kanya-kanyang groom. Nang muling lumitaw ang ex-husband niyang si Eugene, hindi siya natuwa. Hindi yata nakakaintindi ng salitang ‘hindi’ ang lalaki. Patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kanya. At para itaboy ang ex-husband, hiningi ni Ginji ang tulong ni Johnny—pinsan ng isang kaibigan. Sikat na rockstar si Johnny. Guwapo, limpak-limpak ang abs at limpak-limpak din ang laman ng bank account. Sa kabila ng hilig ni Johnny na asarin at pikunin siya, alam niyang crush siya ng binata. Ipakikilala ni Ginji si Johnny bilang boyfriend. Pero tumanggi ang lalaki. Hindi raw siya nito crush. At lalong hindi raw pumapatol sa cougar! Cougar! Tinawag siyang cougar ni Johnny dahil lang sa tatlong taong age gap nila! Pero higit sa gasgas na pride, mas umaray ang puso ni Ginji. Dahil hindi niya namalayang nahulog na pala ang kanyang puso sa mga kamay ng lalaking tinutukso lang niyang ‘Baby Rockstar’!


Related Stories