Caressa's Diary

Ratings :


Date Issue : Jul. 26, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Celestine
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

It’s just you… And it will always be you, forever. Matagal nang may gusto si Caressa kay Alexander—ang isa sa mga campus heartthrob ng St. Claire University. Sa matinding paghanga sa lalaki, ang lahat ng entry sa kanyang diary ay tungkol sa nararamdaman para dito. At dahil hindi kaya ni Caressa na personal na aminin na gusto si Alexander, nagpasya siyang ilagay ang diary sa locker nito. Pero sa maling locker niya nailagay ang diary. And of all people, si Zeus dela Torre pa pala ang may-ari niyon—ang lalaking kinaiinisan to the highest level. Bukod kasi sa nasira ang cell phone niya sa pagkakabungguan nila, ninakaw din ng lalaki ang kanyang first kiss! Lalo pang nadagdagan ang inis ni Caressa kay Zeus nang sabihin ng lalaki na isasauli lang ang diary kung papayag siya sa gusto nito—ang maging subject sa isang painting project. Napilitan siyang pumayag nang muntik na nitong totohanin na i-broadcast sa buong campus ang laman ng diary. At doon nagsimula pangingialam ni Zeus sa itatakbo ng kanyang love story…


Related Stories