Jenny And The Magic Arinola - LIB00484

Ratings :


Date Issue : Aug. 10, 2018
Publisher : LIB Creatives
Author : Owwsic
ISBN :
Price : PHP 150.00
  Share by Twitter


About This Book

“Lahat binigay ko sa kanya. Kahit wala nang matira sa akin ayos lang basta maibigay ko lang ang kasiyahan niya. Gano’n kasi ako magmahal. Mas okay na ako ang mawalan kaysa ang taong mahal ko.” Nagmahal ka ba nang uber? Nagtiwala? Nililibre mo ba ang boyfriend mo sa karinderya na pag-aari ng tiyahin mong dragona? Halos ibinigay mo na ang lahat pero niloko ka pa rin at ipinagpalit sa mismong second anniversary n’yo ng boyfriend mong mukhang kuko sa talampakan? Kung oo, eh, di alam mo ang pakiramdam ni Jennifer Ariesa Dimakatarungan o Jenny for short? Madakdak, bungangera, palatanong, pilosopo, mahadera, at no boobs since birth. `Yan ang the best adjectives para ilarawan si Jenny. Isang ordinaryong babae na minahal si Rolando Berto Judas—ang hudas niyang ex-boyfriend na nanloko sa kanya. `Kapal talaga ng pagmumukha ng walanghiya, my goodness! Dahil sa kabutihan ng puso ni Jenny ay may nakita siyang luma at kaderder na arinola na mukhang pag-aari ng matandang nan-drink and run sa kanya. Dahil mahadera siya, nilinis niya iyon at may nadiskubreng magic na napapaloob sa luma at kaderder na arinola. Anong klaseng magic? May genie lang naman ang arinola. At hindi basta-bastang genie kundi isang hot, yummy, may eight-pack abs, at V-line. Samahan si Jenny sa pagdiskubre ng kanyang buhay kasama ang masungit, moody, manlalait, pero guwapo at yummy na genie na tatawagin niyang Laxus.


Related Stories