Ygnacia Escondido (The Lost Myth) Book 1-Devil’s Lair - PHRGR091

Ratings :


Date Issue : Sep. 20, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Cranberry Laurel
ISBN :
Price : PHP 105.00
  Share by Twitter


About This Book

“Ito ang matindi kong sekreto: kung gaano ako nababaliw sa `yo.” Inatake si Katrina at ang kanyang mga kaibigan ng isang halimaw nang mag-camping sila sa Mt. Bubon. Akmang kakagatin na siya ng halimaw nang iligtas siya ng lalaking may magkahalong dilaw at asul na mga mata—si Kremes. Sa ilang araw na pamamalagi ni Katrina sa mansiyon ni Kremes—dahil kailangan muna nitong masiguro ang kaligtasan niya—ay na-in love siya sa lalaki. Hindi nagtagal ay nagtapat din ito ng feelings sa kanya. Wala nang mahihiling pa si Katrina dahil mahal na mahal niya ang lalaki. Pero may matinding revelation tungkol sa pagkatao ni Kremes—isa itong bampira! Hindi siya natakot sa nalaman. Handa siyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Pero nalaman ng mga magulang ni Katrina ang pagkatao ni Kremes at pinaghiwalay sila. Noon din niya natuklasan kung bakit. Hindi pala tunay na anak si Katrina at connected ang kinilala niyang ama sa Pentagram—ang kompanya na nagsasagawa ng studies sa mga katulad ni Kremes. Ngayon, gagawing pain si Katrina para mapalabas ang mga bampira para pag-eksperimentuhan at para isuko ng mga ito ang Ygnacia Escondido. Kailangang tulungan ni Katrina si Kremes kahit buhay pa niya ang maging kapalit…


Related Stories