Dark Knight Trilogy Book 1, Draven Simoun - PHRGR106

Ratings :


Date Issue : Dec. 18, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Fiona Queen
ISBN :
Price : PHP 82.00
  Share by Twitter


About This Book

“I don’t like the thought of you… avoiding me.” Dalawang bagay ang gumugulo sa isip ni Ylona—ang balitang may pakalat-kalat na serial killer sa lugar nila at ang panaginip tungkol sa isang lalaking walang mukha pero nagligtas sa kanya mula sa isang halimaw—ang Amiss Hunter na si Draven Simoun. Ayaw sanang magpaapekto ni Ylona. Pero isang gabi, habang naglalakad pauwi mula sa pinapasukang ospital, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Nayakap niya ang sarili at nanginig sa takot dahil sa biglang paglitaw ng isang halimaw na pula ang mga mata at may matatalas na pangil. Worst, baka iyon ang serial killer na bibiktima sa kanya. Pumikit si Ylona at laking gulat niya nang sa muling pagdilat ay nasa harap na niya si Draven Simoun. May dinukot sa bulsa ng pantalon ang lalaki. Nang tingnan ni Ylona kung ano iyon ay nakita niya ang isang tribunal bracelet. “This is a protection bracelet. Kapag suot mo ang bracelet na `to, mapapalayo ka sa kapahamakan,” sabi ni Draven. “And I want to give this to you to protect you from danger.” Dahil si Ylona raw ang kahinaan ni Draven at magdadala sa lalaki sa mga kamay ng mga Amiss—ang masasamang bampira na tumiwalag sa lahi ni Draven at gustong dumukot sa kanya…


Related Stories