Twisted Tales book 1: Going Past The Limits - PHR04551

Ratings :


Date Issue : Apr. 08, 2019
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Nikki Karenina
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

Ito ang lalaking hindi nambobola lang. Because she knows that he could see her heart and soul. Seff was Sugar’s best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan. Or so she thought. Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito…


Related Stories