Si Borgy At Ang Astig Girl
About This Book
“Alam kong hindi ka pa rin naniniwala sa akin nang sabihin kong I’m falling in love with you. Kahit ako nga rin, eh. One moment all I wanted was for you to disappear on the face of this planet, and the next I figured out I can’t stand being not beside you for one second.”
Parang gustong pagsisihan ni Angge kung bakit pumayag pa siyang maging assistant slash maid slash yaya ni Borgy Alvarez. Paano’y sa umpisa pa lang ay hindi na sila magkasundo ng binata. Para silang mga aso’t pusa kung mag-away. Pero dahil nandoon na siya, paninindigan na niya. Iinisin na lamang niya ito para makaganti siya sa pagsusungit nito.
Sa pagkagulat niya, biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya pagkatapos nitong mag-Noche Buena kasama ang pamilya niya. Bigla ay siya na ang ipinagluluto nito ng almusal. Minsan din ay tinulungan siya nitong maglinis ng sahig, at inambunan pa ng mga regalo ang pamilya niya na para bang sinusuhulan ang mga ito.
“Para kang sinapian ng masamang espiritu. Ano ba’ng binabalak mo?” tanong niya rito.
“Wala akong intensiyong masama. I think… I’m falling in love with you.”
Hindi siya naniniwala kay Borgy! Gumaganti lang ito sa mga pang-iinis niya rito. Ang kaso, hinarana siya nito isang gabi sa harap ng buong barangay nila! Biglang natibag ang depensa niya…