Superstar Ng Buhay Ko

Ratings :


Date Issue : Oct. 16, 2014
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Andie Hizon
ISBN : 978-971-02-6520-6
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“I don’t care if you’re from Venus and I’m from Mars. Kaya kong tawirin lahat ng nakapagitan sa atin basta magtagpo lang tayo.” Matagal nang pantasya ni Charmaine ang showbiz heartthrob na si Sammy Aguinaldo. Halos maging stalker na nga siya nito dahil sa pagsunod-sunod niya rito. Kaya nang mangailangan ito ng make-up artist ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. Ngunit hindi nito tinanggap ang application niya at sa halip ay nakatikim siya ng pagsusungit mula rito. Sa unang pagkakataon ay nawala ang mahika ni Sammy sa kanya. Sumumpa siya sa sarili na hinding-hindi na niya tatangkilikin ito. Pero bumalik sa dati ang lahat nang magpakita ito ng concern sa kanya. Hindi man niya inaasahan ay naging magkaibigan sila. Ang mas nakakabigla ay nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya—na agad niyang sinunggaban dahil matagal na niyang pinapangarap ito. Ngunit malupit ang mundong ginagalawan nito. Naligalig ang show business nang malaman ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. Sammy decided to quit show business. Hindi niya matanggap iyon, lalo na kung siya pa ang magiging dahilan. Ngunit kaya kaya niyang iwan si Sammy kahit mahal na mahal niya ito huwag lang nitong talikuran ang career nito?


Related Stories