24 Oras

Ratings :


Date Issue : Oct. 20, 2014
Publisher : LIB Creatives
Author : ReadMeNot
ISBN : 978-971-401-360-9
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

Christian! O Aking Christian! Pagdating ng panahon ay magiging tayo rin. Aasa ako hanggang sa huli, hanggang sa “Hindi Kita Malilimutan” na ang theme song ko. Ako si Chandascia—Chaka ang tawag sa akin ng lahat. Sa Sitio Malabo, kilala ako bilang ang babaeng sexy, at ang babaeng masarap ang bibingka. Pantasya ako ng lahat ng lalaki sa Sitio —ang alindog ko lang, hindi ang mukha ko dahil hipon ako, ang sakit aminin pero totoo. Aray! Pero hipon man, may suwerte rin. Obsessed lang naman sa akin ang pinakamayaman, pinaka-macho at pinakaguwapong unico hijo ng pinakamakapangyarihang tao sa Sitio Malabo—si Christian Green. Ay mali, obsessed pala sa bibingka ko, hindi sa akin. Aray uli. Hindi maka-move on si Christian sa pagkahumaling sa bibingka ko. Sukat bang dinaan na sa santong paspasan— kinidnap niya ako para sa isang halik. Oo, at torrid kiss pa! Fairy tale na yata ito, syet! Ngunit ang fairy tale ko ay nagka-twist. Ginising ng halik ni Christian ang isang malakas na puwersang nagdala sa amin sa ibang mundo—ang Amora Desir, ang mahiwagang mundo ng Pag-ibig at Pagnanasa. Sa mundong iyon ay lalaban kami nang magkasama: Para sa buhay namin, at para sa virginity ko! Sa mundong iyon din ay lalaya mula sa mga puso namin ang isang natatanging pag-ibig. Oo, may totoo sa kuwentong ito—ang pag-ibig sa akin ni Christian Green! Haba ng hair ko. Ako na!


Related Stories