A Dream's Worth
About This Book
Habang napapatingin siya rito at nagtatama ang kanilang mga mata ay nararamdaman niyang parang nagkakaroon ng koneksiyon sa pagitan nila.
Para sa ikasisiya ng mommy niya at para tantanan na siya nito, napilitang mag-piano lessons si Ciara. At ang magtuturo sa kanya, aba, hindi basta-basta! In fact, Jordan was a world-class pianist who was simply suffering from a bad case of job burnout. Habang nagbabakasyon ito sa Pilipinas ay nagbibigay raw ito ng lessons kaya nagkumahog ang mommy niya na i-enroll siya.
Hindi maganda ang naging impresyon nila sa isa’t isa at sa unang session pa lang nila ay muntik nang umayaw si Ciara. Pero nasundot ang competitive spirit niya kaya sa bandang huli ay nagpasya siyang ipamukha rito ang kakayahan niyang matuto.
What she didn’t expect was that her admiration of Jordan’s talent would turn to something deeper. Hanggang sa napilitan na siyang aminin sa sarili na mahal na niya ito.
Pero bukod sa wala sa Pilipinas ang buhay nito, ginulantang din siya ng isang bagay na natuklasan niya tungkol dito.