PHR05356 - The Four-day Love Story

Ratings :


Date Issue : Sep. 09, 2014
Publisher :
Author : Gazchela Aerienne
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

The Four-day Love Story By Gazchela Aerienne “Hindi ko inakalang mamahalin kita nang ganito na halos mataranta mailayo ka lang sa mga taong puwedeng umagaw sa `yo.” Tinanggap ni Ryemielyn ang alok na kasal ng kasintahan niyang si Zero. Subalit sa mismong araw ng kasal ay noon pa siya tinopak—tinakasan niya ang lalaki. The next thing she knew, nasa Quezon Province na siya, tangay ang sasakyang palihim niyang sinakyan. At sa kamalas-malasan, hindi akalain ni Ryemielyn na ang lalaking nagmamay-ari ng kotse ay si Torque, ang lalaking hindi na niya inasahang makikita pang muli. Dahil maski si Torque na ang pinakaguwapong lalaki na nakilala niya ay ang may pinakamagaspang na pag-uugali sa lahat ng magaspang ang ugali Mabuti na lang at may natitira pang kabutihan sa puso ni Torque dahil pumayag ang lalaking manatili siya sa lungga nito for a week. Ilang araw pa lamang ang lumipas ay natagpuan ni Ryemielyn ang sarili na nahuhulog sa lalaki. Subalit naisip niyang hindi tamang isugal niya ang puso sa isang lalaking wala namang pakialam sa kanya. Napatunayan niya iyon nang matapos ang ilang araw ay ipinagtabuyan na siya nito. And there was nothing she could do but accept the fact that she was nothing but just one of the lead characters in an unhappy ever-after four-day love story.


Related Stories