The Ex-Files Series 1: How Do I Love D?
About This Book
With his kiss, he made her explode. To pieces. To tinier pieces. And made her whole again.
They were the best of friends—a guy named D who liked all girls and a girl named Sam who, ahm… liked girls, too. Until that one night that changed it all.
May isang na-in love sa matalik na kaibigan at si Sam iyon. May isang na-in love din yata sa best friend at si D iyon. Hanggang sa ang magkaibigan ay naging magkarelasyon. Sekreto muna para hindi magulantang ang sambayanan. Pero bago pa magkabukuhan, may isang nagtaksil at nagsinungaling—si D. Siyempre, may isang nasaktan at nakipaghiwalay—si Sam.
After two years, babaeng-babae na si Sam, may bagong buhay at bagong boyfriend. Pero bumalik si D at mahal daw nito si Sam. Ulit. Pa rin. Yata…