PHR05350 - To Get Back At Love
About This Book
“Mahal na mahal kita. And I don’t know how to unlove you.”
Hindi balanse ang equation sa war ni Rose May kay Jonathan. Nasagasaan ni Jonathan ang pinakamamahal niyang Pomeranian puppy na ikinamatay niyon. Pinaliguan siya ng putik ng pickup truck na minamaneho ng binata, pinagbintangan siyang magnanakaw at pipi, pinalayas sa sarili niyang bahay at sinira pa nito ang diskarte niya sa pagiging self-appointed detective.
At sa napakaraming atraso ni Jonathan sa kanya, kung hindi man aksidente lang ay lagi nang justified ang mga iyon.
Unfair talaga ang buhay, himutok ni Rose May. At wala siyang naiganti kay Jonathan kundi ang subuan ito ng sabon, pagtarayan ito at pintahan ng graffiti ang sasakyan nito—na pawang intentional at self-incriminating.
Ang masakit, lumalabas na siya pa ang may utang kay Jonathan. “In time, I’ll collect my due,” sabi nitong nang-aakit.
Hindi dapat maakit si Rose May dito. Hindi pa siya nakakaganti. But before she could find ways to get even, Jonathan was already out of the picture.
Limang taon pagkaraan, muli silang nagkita. Lalong gumuwapo si Jonathan, mas nagkaroon ng character ang hitsura, mas lumakas ang animal appeal, mas naging sexy.
Hindi pa rin ito naniningil, at nakalimutan na niyang gumanti. Ang gusto na lang ni Rose May ay magbayad kay Jonathan—one hundred million kisses—kahit mapudpod pa ang mga labi niya.