Bittersweet Bliss

Ratings :


Date Issue : Mar. 27, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Lian Suarez
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

Love is a powerful enemy. Hindi mo iyan puwedeng kontrahin o pigilan. Para iyang ligaw na damo, kahit anong bunot mo, tutubo at tutubo pa rin iyan. Sage hated Cross from the bottom of her heart. Sa bawat pagkikita nila ay palagi silang nagbabangayan. At nakasanayan na lang niya ang bawat pagbabanggaan nila. To her, Cross was her mortal enemy and her demon brother’s loyal underling. Kaya nang magpakita ng kabaitan si Cross sa kanya, tila nawindang ang isip at puso niya. He had shown her the other side of his personality, his loveable side. At ang puso niya, hindi maiwasang mahalin ito. Ang akala niya ay malayang maipadadama niya rito ang pagmamahal niya. Pero hanggang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Nagtapat pa rin siya ng pagmamahal dito, para lang masaktan at mabigo. At pagkatapos ay umalis ito nang walang paalam. Ipinangako niya sa sariling kakalimutan ito. Sa muling pagkikita nila, tila nagkaroon na ng interes sa kanya si Cross. Muling nagulo ang puso ni Sage. Mahal pa rin pala niya ito. At hindi niya alam kung makakaya niyang ipagkatiwala uli rito ang puso niyang ilang ulit na nitong sinaktan.


Related Stories