Angel

Ratings :


Date Issue : Apr. 20, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Ellie Kim
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

Missing someone is a part of loving them, if you are never apart; you’ll never know how strong your love really is. Ang akala ni Jade, ang pagkakaroon niya ng injured na braso ang pinakamasama nang mararanasan. Hindi na kasi siya makakapaglaro ng soft ball. Pero kailangan niyang ituloy ang buhay. Hanggang sa nakilala niya si James, ang masungit na stepbrother ng kanyang best friend. Sa simula ay naiinis siya sa lalaki, pero nang makilala niya ang tunay na James ay napagtanto niyang hindi naman pala ito ganoon kasama. At may pagkakatulad pa sila. Isa itong swimmer sa Australia at nagbabakasyon sa Pilipinas para pagalingin ang injury na natamo sa isang aksidente. Naging magkasintahan sila hanggang sa kinailangan na nitong bumalik sa Australia. Ayos naman ang relasyon nila hanggang sa maaksidente si Jade at malamang niloloko lang siya ni James habang nasa Australia ito. Agad siyang nakipaghiwalay sa lalaki. Pero sa paglipas ng panahon ay hinanap siya ni James. Naghahanap ito ng kasagutan sa mga tanong nito. Kung bakit sila naghiwalay at kung maaari pa silang magkabalikan. Hindi naman ito nabigo sa paghahanap pero alam ni Jade na kahit anong gawin ng lalaki ay hindi na sila maaaring magkabalikan dahil ayaw niyang pati ito ay magsakripisyo sa kanyang kapansanan.


Related Stories