The Prince And Emily
About This Book
Napaisip si Emily kung nawawala na ba siya sa katinuan nang lumapit sa kanya ang sikat at guwapong aktor na si Prince Townsend. He was the prince of vain and was rarely seen without a beautiful woman beside him. Samantalang “ugly duckling” ang pinaka-tame na taguri sa kanya.
He was every woman’s dream lover and every man’s dreaded rival. Nang titigan siya nito, pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ni hindi rin nito kinayayamutan na nauutal siyang magsalita minsan, hindi tulad ng kanyang pamilya. Instead, he found it adorable.
Pero dapat nga ba niyang paniwalaan ang interes na ipinapakita nito sa kanya kung may mga nagsasabing kaya lamang nakikipaglapit ito sa kanya ay dahil nais nitong mapalapit sa batang-bata at napakagandang madrasta niya?