Uto-Utong Puso
About This Book
“Kahit magbingi-bingihan ako, naririnig ko pa rin ang isinisigaw ng puso ko. At wala akong magawa kundi sundin ang maigting na hiling na pilitin kong maging bahagi ng buhay mo…”
Idol ni Hazel ang boss niyang si Angelique—go-getter, maganda, sopistikada, at higit sa lahat ay mabait sa kanya. Handa siyang gawin ang lahat ng ipinag-uutos ng kanyang boss, lalo na kung makakatulong iyon sa kanyang karera at pagkatao. Ngunit hindi inasahan ni Hazel na pakikiusapan siya ni Angelique na siya muna ang umasikaso sa boyfriend nito. Hindi siya nagreklamo, bagkus ay sinunod niya ang iniutos nito. Ngunit gustong magsisi ni Hazel na pumayag siya nang makilala ang boyfriend ng bossing niya: si Itto, na Nate na ngayon, ang lalaking nagpaasa sa kanya noon.
Kahit nag-aalangan ay tinanggap ni Hazel ang ipinapagawa sa kanya ni Angelique. Ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon dahil binuhay na naman ni Nate ang nararamdaman niya rito noong mga panahon bago siya iwan nito. Katulad ng dati ay naging maalaga at maalalahanin si Nate. Ipinaramdam din sa kanya ng binata na posibleng may pag-asa ang nararamdamang pagmamahal dito. Ngunit ang gahiblang pag-asa na nararamdaman ni Hazel ay tila hibla ring naputol nang malaman niyang katulad noon, pinaasa at inuto na naman siya ni Nate sa pangalawang pagkakataon.