If The Heart Can’t See
About This Book
Achilles had always been the man in Maddy’s heart. When she was seventeen, nakagawa siya ng isang malaking kasalanan dito na naging dahilan para anihin niya ang poot nito.
Pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ito sa buhay niya. Inaasahan na niya ang galit at animosity na isasalubong nito. Ngunit binigla siya nito sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya.
Wala na sana siyang kasinsaya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Subalit paano kapag natuklasan niyang sa likod ng ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya ay naroon ang isang maitim na plano ng paghihiganti? Ibibigay ba niya rito ang minimithi nitong kabayaran sa nagawa niyang kasalanan dito noon, o aasa na lamang siyang makakayang gapiin ng pagmamahal niya rito ang anumang natitirang poot sa puso nito para sa kanya?