Under The Lover’s Moon
About This Book
When I told you I’m going to claim what is rightfully mine, it meant kasama ka roon. Nakalimutan mo na bang akin ka lang?
Isang malaking pagkakamali na nakipagmabutihang loob si Isabella sa dayong si Keath de Silva sa Isla Azul. Isang malaking pagkakamali na agad niyang minahal ito dahil alam niyang isang araw ay iiwan niya rin ito dahil hindi na siya malaya.
Pero huli na ang lahat para sa mga pagkakamaling iyon dahil sa kabila ng mga reserbasyon niya ay napagtanto niyang ang binata na ang pinakamahalagang tao sa kanya ngayon. Dumating na siya sa puntong kaya na niyang ipagpalit ang lalaking pinangakuan niya ng kasal at iwan ang pamilya niya para lang dito.
Ngunit sadyang hindi ganoon kabait ang tadhana sa kanya nang mapagdesisyunan niyang tuluyan nang sumama kay Keath. Akala niya ay magiging maligaya na siya sa wakas kasama ito. Pero may humarang sa mga plano nilang paglayo. Isang disimuladong plano iyon para tuluyan na siyang mahiwalay sa taong pinag-alayan niya ng lahat-lahat sa kanya…