PHR05341 - It Started With A Trip
About This Book
“Sa akin ka lang bagay. Tayo lang ang bagay sa isa’t isa.”
Walang nagawa si Tessa nang isama siya ni Clayton sa paghahanap sa mga nawawala nilang kapatid. Pinagbibintangan kasi ng antipatikong si Clayton ang kapatid niya na dinukot ang bunso nitong kapatid. Bukod doon ay ipinagpipilitan ng lalaki na alam ni Tessa kung saan dinala ng kuya niya ang kapatid nito. Nagbanta pa si Clayton na sasampahan ng kaso ang kuya niya nang malamang nagpakasal sa probinsiya ang kuya niya at ang kapatid nito. Desidido si Clayton na paghiwalayin ang dalawa na mariin niyang tinutulan. Nagbanta si Tessa na lalabanan si Clayton nang ngipin sa ngipin kung pakikialaman nito ang pagsasama ng dalawa.
Ngunit bago pa magawa ni Tessa ang banta ay hinalikan siya ng binata. Diyata’t mas nakalimutan pa niya ang banta kaysa sa halik ni Clayton.