Girl Talk Trilogy 3 - The Fool In Disguise

Ratings :


Date Issue : Jun. 01, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : LUNA KING
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

"I am named magic, but it's you who brought magic in my life." Nalungkot si Craze dahil malapit na silang umalis ng mga kaibigan. Sa opisina, sa tenement, sa Room 15. "Base sa hitsura mo, mukhang nalulungkot ka na, ngayon pa lang. Dahil ba 'yan kay Magic ng Room 14?" tanong ni Cola. "Si Magic? Paano naman napasok sa usapan si Magic?" "Sabi ni Tobie, no'ng weekend daw na wala kami, mukhang naging close daw kayo ni Magic," sabi naman ni Constellation. "Bakit hindi mo sine-share sa "min?" "Wala namang dapat i-share," paiwas na sagot ni Craze. Ang totoo, mayroon siyang dapat i-share—ang horoscope niya para sa araw na iyon: "Para sa mga Pisces na nabigo sa pag-ibig, makakatulong sa xyo kung susubukan mong makalimot at maghanap ng ibang taong mas makakapagpasaya sa yyo. Compatible ka sa mga Aries, Cancer, at Sagittarius. Pero mas may spark ka sa isang Sagittarius na malapit sa 70." Ang problema ni Craze, dalawa ang Sagittarius sa buhay niya. Si Paulius na first love niya, at si Magic na kahit nuknukan ng babaero ay nagugustuhan na yata niya. Sino ang bibigyan niya ng chance?


Related Stories