PHR05342 - The Complicated Escape

Ratings :


Date Issue : Sep. 10, 2014
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Amy Loryn
ISBN : 978-971-02-8129-9
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Sinabi ko sa sarili ko na makita lang kita na masaya sa piling ng kung sino man ang babalikan mo, ay pakakawalan na kita. Pero sabi ko lang pala `yon dahil hindi ko naman kaya.” Sinisi ni Rainheart ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal niya sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Cuevas. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napagkamalan ni Rainheart na magnanakaw si Gene Cuevas, ang isa sa mga apo ng may-ari kaya nahampas niya ang lalaki ng vase sa ulo. Upang hindi mapaalis dahil sa kanyang pagkakamali at tila pamba-blackmail na rin sa kanya ng binata, pumayag si Rainheart na sumama sa bahay ni Gene upang magsilbing cook. Hindi naman niya naisip ang posibilidad na maaaring mahulog ang kanyang loob sa guwapo, ngunit manipulative na lalaki dahil alam niyang they were both in a relationship, idagdag pang hindi naman sila magkasundo. Iyon ang isa pang pagkakamali ni Rainheart. Dahil sa iilang araw pa lang na nakasama at nakilala si Gene, unti-unti siyang napalapit sa binata lalo na at hindi naman siya nito tinrato na isang kasambahay. Naging masaya si Rainheart kasama si Gene. Ngunit alam niyang magiging napakakomplikado ng lahat—dahil may mga tao silang masasaktan—kung ipagpapatuloy nila ang atraksiyong nararamdaman sa isa’t isa. At kapag nalaman ni Gene na nagsisinungaling siya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, tiyak na magagalit ito. Kaya ang tanging paraan na naisip niya ay lumayo nang tuluyan at tumakas kagaya ng dati, kahit ang kapalit niyon ay ang mawala ang lalaking tunay na minahal.


Related Stories