I Will Take You Forever
About This Book
“I realized the greatest things in life happen unexpectedly. Tulad ng pagkakakilala natin. Katulad ng pagkakasama natin. At tulad ng pagkakahulog ng loob ko sa `yo.”
Hindi mapaniwalaan ni Krissy na magkakagusto sa isang simpleng babaeng tulad niya si Andrew. Bukod sa napakaguwapo nito, ubod din ito ng yaman at isang successful businessman. Daig din nito ang isang matinee idol sa dami ng mga babaeng nahuhumaling dito.
Hindi na lamang pinansin ni Krissy ang malaking pagkakaiba nila at sinagot niya ito. At sa tingin niya ay tama ang kanyang ginawa dahil napakaligaya niya sa piling nito.
Pero isang malapit na pinsan ni Andrew ang nagbabala sa kanya tungkol sa kanyang nobyo. Si Andrew raw ay isang certified playboy. Hindi raw siya nito seseryosuhin. Sa katunayan, elementary pa lang daw ito ay nagbibilang na ito ng girlfriend—at siya ang ika-fifty-ninth girlfriend nito! Inagaw rin daw ni Andrew ang girlfriend ng pinsan nito.
“Ayokong may masaktan pang babae si Andrew kaya kinakausap kita ngayon. If I were you, I will take this advice, layuan mo na si Andrew habang maaga pa,” sabi pa ng pinsan ni Andrew sa kanya.
Biglang nagkaroon ng agam-agam ang dibdib niya. Naduwag siya, at mas pinili na lamang lumayo kay Andrew—isang desisyon na nagdulot sa kanya ng labis na kalungkutan…