Alessandra (A Femme Fatale's Story)
About This Book
“Love is simply magical.”
Planado na ang lahat sa buhay ni Alessandra nang makilala niya si William. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay nakuha na agad nito ang kanyang pansin. Hindi kalabisang sabihin na taglay nito ang appeal ni Brad Pitt—very Hollywood-ish, aura and physique wise.
Pilit na iniwasan ni Alessandra si William. Pero pursigido ang lalaki na mapalapit sa kanya. Hindi raw ito titigil hangga’t hindi siya napapaamo at napapaibig.
And he succeeded.
Naging visible si William sa buhay ni Alessandra. They get along well. Hindi nga namalayan ng dalaga na dahil kay William ay natuto na siyang muling magmahal.
Masaya na sana silang nagsasama nang biglang maalala ni Alessandra kung bakit siya nabubuhay. Umalingawngaw sa isipan niya ang minsang sinabi sa kanya ng isang manghuhula.
“Walang-hanggang pagdurusa. Magdurusa ka dito sa lupa at sa impiyerno. Daranasin mo ang walang katulad na sakit at pighati. Nakatadhana kang mamatay nang paulit-ulit.”
Natakot si Alessandra… Hindi para sa sarili kundi para kay William, ang lalaking natutunan na niyang mahalin pero labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang layuan… alang-alang sa kaligtasan nito…