Miss Independent
About This Book
“I’m sorry if I kept pushing you away. Natakot lang kasi ako na masanay na nandiyan ka.”
Independent, career-driven, at palabang babae si Robin Anne. Naniniwala siya na ang lahat ng bagay na ginagawa ng mga lalaki ay kaya nang gawin ng mga babae. Until Jordan Lopez—a young, handsome, and the newly appointed CEO ng TV network na kanyang pinagtatrabahuhan bilang researcher—came along.
Nagkaroon sila ng isang pustahan at natalo siya. Ang premyo ni Jordan: ang maka-date siya at madala sa farm ng pamilya nito. At nang naroon na sila, ipinaramdam ni Jordan ang matinding attraction sa kanya. Aminado si Robin na kinikilig siya sa bawat da moves ng binata. Kaya nang manligaw ito ay sinagot niya.
Pero madalas ay hindi niya sinusunod ang mga paalala ni Jordan. Hanggang sa dumating ang isang kapahamakan na iniligtas man siya ni Jordan, ang naging kapalit ay ang paglayo nito sa kanya.