Si Babs At Si Tabs
About This Book
“Kahit sabihin mo pa sa akin na hindi na tayo bagay, hahalikan talaga kita kahit saan, kahit kailan… Hinding-hindi ako mahihiya na ipakita sa kahit sino kung gaano kita kamahal. Ikaw lang ang bagay sa akin.”
Ohana and Gascon aka “Tabs” and “Babs” had been together for ten years. Mahal na mahal nila ang isa’t isa sa kabila ng mabibigat nilang timbang. Ngunit natapos ang maliligayang araw nila sa pagsasalo sa masasarap na pagkain nang mag-agaw-buhay si Gascon. May nagbarang ugat sa puso nito dahil sa katabaan.
Napagdesisyunan nilang mag-diet. Sa loob ng tatlong buwan, halos walang nabawas sa timbang ni Ohana, habang si Gascon naman ay nawala ang excess fats at machong-macho na. May nag-alok pa nga ritong magmodelo, na hindi naman nito tinanggihan.
Hindi maiwasang ma-insecure ni Ohana dahil sa naggagandahan at nagseseksihang babaeng nakapaligid ngayon kay Gascon—samantalang siya ay parang balyena sa katabaan. Kabilang sa mga babaeng iyon si Milly na dati nilang kaklase.
Pero palaging pinaaalala sa kanya ni Gascon kung gaano siya nito kamahal—na sa kabila ng patong-patong niyang bilbil ay siya pa rin ang mahal nito. Nagtiwala siya kay Gascon.
Pero may hangganan pala ang pagtitiwala at ang masayang pagsasama. Dahil nang sorpresahin ni Ohana si Gascon sa sinalihan ng lalaki na bikini open sa Boracay ay siya ang nasorpresa. Nahuli niyang kahalikan nito si Milly.