Broken Hearts Trilogy 3 - Heal This Broken Heart

Ratings :


Date Issue : Sep. 18, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Dream Grace
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“There is something wrong with my cell phone. It doesn’t have your number in it.” “Man-hater,” “Amazon River” at “Babaeng Pit bull.” Ilan lang sa mga itinatawag kay Lilybeth ng ilang kakilala at kaibigan niya, lalo na nang maghiwalay sila ng ex-fiancé niyang si Eric. Pero hindi sang-ayon si Lilybeth sa mga bansag na iyon sa kanya. Kahit sino sigurong babae, kapag nalamang nakabuntis ng iba ang lalaking mapapangasawa, lalo pa’t pinsan ng babae ang nabuntis na iyon, malamang sa hindi ay maghuhuramentado rin. “Jack-of-all-trades, master of none,” “Reckless Wanderer,” at “Shameless Womanizer.” Ilan lang sa mga bansag kay Orestes ng ilang kakilala at kaibigan ng binata, lalo na ng mga babaeng umasa na sila na ang makakapagpatino sa binata pero sa huli ay nabigo pa rin. At sang-ayon naman si Orestes sa mga bansag na iyon sa kanya. What could he say? He really was all that. So what will happen when these two people meet? Fireworks? Nah, more like a catastrophe with no end in sight, lalo na nang sa kauna-unahang pagkakataon ay na-in love ang Shameless Womanizer kay Babaeng Pit bull. Ang tanging tanong ni Orestes ay paano ba niya mapapaibig ang isang babaeng sa talas ng dila at talim ng tingin pa lang ay parang gusto na niyang isuko ang pagiging lalaki at magpaka-Eba na lang?


Related Stories