The Breakers Corazon Sociedad Batch 2: Book 1 - Bernard Buenaventura
About This Book
Walang ibang nais si Stefie kundi ang makasal sa longtime boyfriend niyang si Kenneth Abiera. Ito ang lalaking nais niyang makasama habang-buhay and she would do anything just to have his last name. Pero nang gabing handa na niyang ipagkaloob sa nobyo ang lahat ay saka naman nalaman ni Stefie na pinagtataksilan siya nito.
Nang gabing iyon ay nakita niya si Bernard Buenaventura—ang lalaking kinamumuhian niya simula pa noon. She never liked the way he harshly treated her every time they were together.
But how come she ended up in bed with this handsome, hateful man that very night? And how come she was feeling this undeniable lust for him now? Tuluyan na ba siyang nabaliw?
“I want you. You want me, Stefie,” bulong ni Bernard, nakatingin sa kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga siya. “It was just pure lust,” ganting-bulong niya at pilit na ngumiti…
Hindi sumagot si Bernard.
“Until when will you lust for me, Bernard?” lakas-loob na tanong ni Stefie. Gusto niya lang malaman.
Nanatiling tahimik ang binata.
Ang tangi na lang niyang magagawa ay ilihim ang nangyari sa pagitan nila ni Bernard at isipin na isa lang iyong masamang panaginip.