Dahil Mahal Kita
About This Book
“Ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay.”
Nangako si Lui sa kanyang sarili na hindi siya makiki- pagrelasyon sa isang taong mahal niya dahil ayaw niyang masira ang buhay niya kapag iniwan siya nito. Ayaw niyang matulad sa kanyang ina na minahal nang labis-labis ang kanyang ama kaya hindi nito nakayanan ang depresyon nang iwan ito ng kanyang ama. Kaya naisip niyang makikipag- relasyon lamang siya sa isang lalaking hindi niya mahal pero kasundo niya para kontrolado niya ang kanyang emosyon.
Pero nagkrus ang mga landas nila ni Jaime. Guwapo at mayaman ito pero kilalang playboy. Pinakabog nito ang kanyang dibdib. Habang tumatagal ang pagsasama nila ay nararamdaman niyang unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
Hindi niya gusto ang mga nangyayari. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya para kay Jaime. Pero paano niya gagawin iyon ngayong napagtanto niyang madali lang palang sabihin iyon kaysa gawin?