Elestia Trilogy 1: Seven Days With The Proud Knight

Ratings :


Date Issue : Nov. 02, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Jelaine Albert
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“I never planned to love you this much. It just came as a total surprise. But the more I think about how wonderful you are, the less I feel afraid.” Dahil si Caterina “Cate” Zaragossa ang panganay na anak ng presidente ay inako na rin niya ang pangangalaga sa dalawang nakababatang kapatid na babae. Sa nalalapit na pagbisita ni Prince Ross ng bansang Elestia sa Pilipinas ay ginawa ni Cate ang lahat ng makakaya upang maging handa. Ang hindi lamang napaghandaan ni Cate ay ang personalidad ng prinsipe na kanyang nakilala. He was arrogant and proud. Pero kahit hindi niya matagalan ang ugali nito ay kailangan pa rin niyang magtiis alang-alang sa ikabubuti ng bansa. Subalit isang trahedya ang dumating. May nagtangkang dumukot kay Prince Ross at nalagay rin sa panganib ang kanyang mga kapatid. Sa pangyayaring iyon ay kinailangan ni Cate na manatili sa tabi ng prinsipe. Para lamang madiskubre na hindi pala ito si Prince Ross at nagpapanggap lamang. He was Vane, the proud and reserved knight to the prince. At kahit naiinis si Cate ay kailangan niyang sumama kay Vane upang mahanap ang kanyang mga kapatid. Kailangan din niyang ipilit sa sarili na hindi siya natutuwa sa mga halik nito. At lalo namang dapat niyang ipaalala sa sarili na bawal ma-in love dito. Kahit na ang totoo, araw-araw na pinahihirapan siya ng bawat ngiti at halik nito…


Related Stories