PHR05816 - Can't Escape Love

Ratings :


Date Issue : Nov. 10, 2015
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Georgette Israel
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Hindi na kita kukulitin pa. Pero sana may halik ako mula sa `yo. Kahit isa lang. Just one kiss and I won’t bother you anymore.” Attracted na si Tasha kay Rome since the first day they met. Pero dahil kaibigan lang ang turing nito sa kanya ay kinalimutan ni Tasha ang nararamdaman. Ngunit isang gabi nang dahil sa kalasingan, nakalimot at may nangyari sa kanila sa mismong araw ng birthday ni Rome. Tinangka ni Tasha na lumayo, pero ginawa ni Rome ang lahat makita lang siyang muli. Inalok siya ng kasal ng binata pero tinanggihan niya iyon. In the first place, hindi naman niya boyfriend si Rome. Pero napilit si Tasha na subukan nilang magsama sa iisang bubong—isang trial-and-error na pagsasama kung magwo-work out ang relasyon nila. Mukhang effective naman ang kakaibang setup na iyon. Napalapit silang lalo sa isa’t isa at lihim siyang kinikilig sa sweetness at pangangalaga ni Rome sa kanya. Lihim na umasa si Tasha na sana may katugon na ang naramdaman noon sa binata. Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Lalo na at sa isang iglap, nawala ang tanging dahilan kung bakit sila tumira sa iisang bubong. At kahit masakit para kay Tasha, muli siyang umalis at lumayo kay Rome.


Related Stories