PHR03710 - The Vintner's Bride
About This Book
“Akala ko rin hindi na ako iibig uli… Pero dumating ka. Binago mo ang pananaw ko, binago mo ang lahat sa akin.”
Nakamana ng isang vineyard ang ulilang si Isabel. Ngunit pagdating niya sa Hacienda Monte Verde, ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang nasa state of mess iyon. Napakaraming dapat ayusin doon.
Dario offered to help her. It turned out that his family was the former owner of the land she inherited. Gusto nitong bilhin ang lupa sa kanya, ngunit tumanggi siya. Tinulungan na lang siya nito sa mga dapat niyang ayusin sa vineyard niya.
Habang nakakasama niya ito, unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
She knew they were just having a good time, a summer fling, no strings attached. Pero kahit alam niya ang rule na iyon, hindi pa rin niya napigilan ang sarili niyang ma-in love kay Dario.
Pero tila in love pa rin ito sa dating kasintahan nitong isang beauty queen na siyang dahilan kaya nawala sa pamilya nito ang lupang pag-aari na niya ngayon…